Order Chinkee Tan's and Lanilane's package books

Saturday, August 5, 2023

Pangarap Kong Magtayo ng Animal Shelter Para sa mga Katulad Nya πŸ₯ΊπŸ˜Ÿ

Ilang araw kong napapansin na nakatumba palagi ang basurahan tuwing umaga, giving a hint na may pusang gala na nangangalakal sa gabi. So sinubukan kong mag iwan ng pagkain isang gabi. True enough, na consume naman that night ung pagkain at hndi na nakatumba ang basurahan. I did it for a couple of nights and it has become a habit. Isang gabi na curious ako tungkol sa mystery cat at inabangan ko sya. Sobrang saya nung na timingan ko sya! At first intimidated sya at bakas sa mukha nya ang trauma marahil sa kamay ng mga taong galit sa kagaya nya. Paunti unti, napaunlakan naman nya ang alok kong pagkain. A little later I felt his gesture of gratefulness by rubbing his head to the wall and to me and then showing his belly too. Gusto sana nya pumasok sa kwarto kaso hindi pwede. I'm just staying temporarily dito sa Bible school. For now, this is how I can help "xander". Kamuka nya ung dating kong ampon na street cat kaya ayun din ang pinangalan ko. Sana bukas makita ko ulit si Xander ☺️

No comments: