Order Chinkee Tan's and Lanilane's package books

Thursday, May 12, 2022

BBM Daw Ako? | #LENIKIKO pa rin ba? | Post-Election Reaction


First time kong bumoto sa national election nitong nakaraang May 9 ngunit naranasan ko na din naman bumoto noong aking kabataan bilang parte ng SK. This election has been kray-kray (crazy) as they would say. Isa marahil sa napakamalaking factor ng bugso ng mga emosyon eh ang Social media. Andaming fake news kaya naman may  mga fake na katalinuhan kahit saan. At ang cancel culture ay laganap din na maging ako ay nadamay kahit hindi naman ako kasikatan.

Naging malinaw ako nitong nakaraan kung sino ang aking iboboto dahil more than the transparency and honesty, nais kong iparating sa lahat ng botante na dapat ay mag research nang mabuti at ipanalangin ang mga ihahalal sa posisyon. Sabi ko, si VPLeni ang napili ko dahil sa clean governance, integrity at power. Totoo naman ito, wala syang bahid ng katiwalian at puro pagtulong lang ang kanyang ginawa over the years. On the other hand, walang sinuman sa mga presidentiables or other candidates sa ibang positions ang siniraan ko.  Tanging mabubuti lamang ang na highlight ko sa aking maikling post noon.

Ngayon bakit si Leni? Kasi base sa aking research and calculations, LOL, sya ung pinakamalinis ba.. yan po ay ayon sa aking kakayanan lamang. Yan lang po ang naabot ng aking limited brain cells. Maaring mali ako o tama. Ang importante po sinabi ko ang aking intensyon na ipanalangin sya, manalo man o matalo, dahil mabuti syang leader sa aking pananaw. 

Hindi din naman po ako nagkulang sa pagbalanse ng mga bagay bagay dahil prior to the elction, sinabi ko, kung iba man ang manalo, ako ay susunod dahil iyan po ang sinasabi sa Bible. Ang Dios po ang nanonood at alam Nya ang kahihinatnan ng lahat ng bagay. Walang nakakalampas sa Kanyang mga kamay. Kaya kung sino ang nanalo, iyan po ay alam na ng Dios at may permiso Sya na nangyari iyan. Hindi ibig sabihin na gusto Nya pero ang punto po ay may permiso Sya kasi Dios Sya eh, He is sovereign. So iba po ang gusto, sa binigyan lamang ng permiso.

Ngayon kung hindi man po nanalo si Leni, iyan po ang tatanggapin natin dahil ang Dios ay nagbigay ng permiso. May purpose Sya. Maaring hindi natin alam o naiintindihan sa ngayon pero sabi nga ni big bro, sa takdang panahin, malalaman din natin. 

Kung ipipilit natin ang ating gusto eh parang sinabi na din po natin na hindi marunong ang Dios. Papano kung hindi Nya talaga gustong maging presidente si Leni dahil ikakapahamak lang nila ito ng kanyang mga anak na babae? At papano kung si BBM ang susi sa maunlad na buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga mahihirap? hindi natin alam kaya nga sabi ko, WHAT IF lang.. sino ba saating ang may alam sa lahat diba? minsan nasosobrahan kasi tayong lahat sa talino ba eh ang toto naman ay, Dios lang ang makakapagsabi. 

Ngayon kung mag aaklas tayo, anong mapapala natin? Pero sabihin ko sainyo, kung ako ay magkakaron ng malinaw na impression sa Lord na mag aklas, bakit hindi? Kaso wala po eh. Hindi po yan will ng Lord. Sasabihin natin sa katotohanan dapat tayo. Bakit sino po ba ang nagsasabi ng totoo? Totoo po bang may nandaya? Kung may matibay na ebidensya, cge po idaan sa tamang proseso. Pero kung wala, magbigay tayo ng chance kasi tayo rin, bawat isa saatin some time in our lives nabigyan din tayo ng chance diba? Kung hindi eh, kawawa ka naman my friend. Pero I'm sure naranasan mo na mabigyan ng chance. diba?


Nitong nakaraang araw, meron po saaking nag mensahe na "BBM ka na pala" sabay block sa akin sa social media. Napatigil ako at naisip ko, saan iyon nanggaling? tiningnan ko ang last post ko at naisip ko, marami pala talaga ang sarado ang isip dahil sa uri ng lente na ginagamit. Parang ang nangyayari po kasi ngayon eh, kung hindi ka Leni, BBM ka.. eh meron din namang naniniwala kay Lacson, Pacquaio, at Moreno. Pero eto po, kung babasahin natin ung post ko, I was not for Leni nor BBM, because I was for the Lord Jesus Christ, who is my real hero. Madalas hindi nakikita ng tao na Dios ang pinaka leader natin. He is our master. Nagpapasalamat na lang ako sa mga taong naintindihan ang point ko, God bless you po.

Yan cancel culture po talaga ay toxic pero may times po it becomes a righteous option. Bigyan ko po kayo ng aking personal na experience. Meron pong artist na sikat, pangalan po nya ay Daryl Ong. Grabe po ang aking paniniwala sa talent nya since sa the Voice pa sya no'n. Contestant pa lang sya nag cocomment na ako sa videos nya and nagsend pa ako ng encouragement message sa fb chat and I think he was able to read that. Sinubaybayan ko ung journey nya as an artist. Now, hindi naman lingid sa kaalaman natin na solid BBM sya and he was very bold about that. Minsan nga ung posts nya are kind of annoying kasi para bang "ano to, Cavaliers vs GSW?" o kaya "Miss universe ba to?" dahil sa sobrang taas ng energy nya palagi sa pagkampanya. He was like raining on our parade na nagsupport kay LeniKiko. Pero I respect his choice. I never thought of unfollowing him, never talaga, until the other day na out of his joy cguro, grabe ang alab ng puso nya sa pag celebrate kasi wala na, may nanalo na nga at si BBM yon, so ayon, kakanta sya tapos may post sya with a Bible verse, from Isaiah 23:9.. sabi don

The Lord Almighty planned it, to bring down HER pride in all Her splendor, and to Humble all who are renowned on the earth...


he posted it as if the "her" was pertaining to VPLeni.. so nag comment po ako, sabi ko congrats po sainyo ha pero pasensya na po pero out of context po ung Bible verse. let's be careful with using the Word of God po especially you have a wide influence as an artist, and btw.. tho we voted for other candidates, you are rest assured that faithful Filipinos like myself will respect the newly elected national leaders and help in any way we can for as long as they follow the will of the Lord in the next six years 🙂 God bless po. Peace be with you 🙂

tapos labag man sa kalooban ko eh nag unfollow na ako saknya.. 

so what has triggered me then?

it was the use of the Word of God in vain. Alam nyo po kapag Dios na at ang salita Nya ang usapan, dito po talaga ako nagte-take ng stand.. kaya nga po panalangin ko na sa bawat pag post ko maging malinaw sa nagbabasa na wala ang aking allegiance sa kung kahit kanino kundi sa Dios lang. Opo bumoto ako kay VPLeni, pero hindi ibig sabihin noon ay sya na ang Dios ko. Mali po.. hindi po iyan ang mindset ko.

Dalangin ko mawala na ang fanaticism sa culture ng pinas at maging mature tayo bilang tao, bilang Pilipino. Hindi ako nahihiya lumabas ng bansa dahil nanalo si BBM, or Robin, o kaya naman ay natalo si Leni, hindi po.. Nahihiya ako lumabas ng bansa at magpakilalang pilipino dahil sa mindset ng ilang pilipino. Yung mga attitude ng ilan, nakakahiya po. Ung tantrums. It somehow resonates to the ends of the earth. Ung pagging arrogant ng ilan, nakakadismaya po. Nakakapanghina. But I trust na meron pa rin talagang mga mature Filipinos. Ung mga mababait, may takot at pag ibig sa Dios at pinipili ang katotohanan, tumatayo din sa katotohanan nang may kapayapaan sa puso at pagging gentle no matter the pressure or persecutions etc. Kaya hindi naman ako nawawalan ng pag-asa completely.

Ito nalang po, isipin po natin, nung mga bata pa tayo, may mga bagay na gusto natin gawin or makuha, pero nakikita ng magulang natin na ikakapahamak natin. Kaya iyak tayo ng iyak, hindi titigil ng iyak, pero hindi tlga ibibigay ng magulang natin un kasi they understand the danger, the tragedy kung tayo ang masusunod. Ngayon kung ikaw ay isang batang ayaw tumigl sa tantrums, go ahead. Pero sabihin ko sayo my friend, kawawa ka po. At kawawa po tayo...

Magtiwala na lang po tayo na ang Dios, alam Nya ang ginagawa Nya. At kung manatili tayo sa kalooban Nya, hindi tayo mapapahamak. If God is with us, who can be against us. di po ba?

Sa muli, ako po si Lanilane, bumoto kay Leni pero hindi galit kay BBM. My allegiance is neither for both of them but for God. Kung si BBM ang nahalal na pangulo, so be it. Let him serve.