Order Chinkee Tan's and Lanilane's package books

Monday, July 29, 2019

10,000 Reasons

When A Schizophrenic Christian Talks (I love Jesus but Some Christians, It’s Hard to love them. But I Should)


Ano bang nararamdaman mo? Yun bang ginawa mo na ang lahat pero sasabihin pa rin sayo, nasan ang accomplishments mo? Yun bang halos pati pangarap mo na give up mo na tapos sasabihin sayo, ano bang naibigay mo? Much is given much is required! Sasabihin sa mukha mo! So ano pa? ano pang gusto nila? Yung may ginawa kang ang ganda ganda pero ang ia-amplify pa rin ung mali mo? Ung pagkukulang mo? Wala. Bobo na yata ako. Di ko kasi maintindihan. Di ko mawari ano pang gusto nila. Kaya pinipili ko nalang manahimik. Either kasi ako ang bobo o tlgang iba lang ang expectations nila at hindi nila makita kung saan ako nanggagaling. Alam naman ng Lord ang tibok ng puso ko. Alam ng Lord ang pag-uusap namin. Minsan, dahil sa sinasabi nila, nagdududa na ako kung si Lord tlga ang nakakausap ko o sarili ko o ang demonyo. Pero hindi, alam ko kung ano ang impressions ng Lord saakin. Sa tagal ng pinagsamahan namin. Sa dami ng ginawa Nya sa buhay ko magdududa pa ba ako? Di naman ako perpekto alam ko. Pero yung i-drain ka ng ganito, nakakawala na ng gana.  Sasabihan ka pa ang taas ng pinag aralan mo pero ganyan…. Edi wow. Nag-aral ako kasi alam kong mahina ako at kailangan ko matuto. Kasi nung una pa lang, yun na din ang pinaramdam nila, wala kang alam, lahat ng ginagawa mo palpak. Grabe sobrang bait ko yata. Yung tinapak tapakan kana pala noon pero iniibig mo pa rin sila. Pero yon, nag-aral ako para pagbalik ko ok na din ako finally. Gusto ko rin may matutunan ang iba kapag umupo ako sa tabi nila. Pero more than that, for self edification talaga ang hanap ko in the first place, kasi alam ko, pag konti ang alam ko, mabubuwal ako nang mabilisan. Hindi ako nag aral para sabihin sainyo “hoy, may masters ako at nagdodoctoral ako”. Walang ganun.  Wag mong sasabihin na Matthew 6:33 kasi simula pa lang ng nakilala ko ang Panginoong Hesus, iniwan ko na mga bagahe ko noon pa at hanggang ngayon, ibinababa ko pa ung mga natitira. Sasabihan mo din ako baka burnout na ako kaya ganito ako mag isip kaya Matthew 11:28 basahin ko. Andami mong sasabihing Bible verses pero alam mo, bago mo pa sabihin, dumaan na ang lahat ng iyan lahat sa utak ko. Kasi matagal ko nang  kailangan ng encouragement at alam kong sa salita lang ng Diyos yon makukuha. Araw araw din akong nakikipag usap sa Kanya at hindi lang ikaw. Sadyang may mga digmaan lang akong hinaharap na hindi mo alam. Hindi talaga tama na kapag may nag open sayo ng hinaing sa buhay eh Bible verse agad ang ititira mo. Wag kang churchy. Hindi naman sa lahat ng oras kailangan mo ipakita kung ano ang memorized mong pahina ng Bibliya. Isabuhay mo nang makita sayo. Kasi pag kausap kita, feeling ko ang dumi dumi ko at ang linis linis mo. Siguro pag kaharap ko si Hesus, hindi ganyan ang mararanasan ko. Kasi Sya, totoo ang pag-ibig Nya sa akin.  Yung sayo, ewan ko. Ang kipot ng daan. Pati ako, pinipiga ko na din ang sarili ko. Kahit hirap na hirap na ako sinisikap ko pa rin. Kaso ano, sasabihan ka pa rin, piliin mo ang makipot na daan. Hello! Ang tagal ko na dito di mo pa rin makita? ‘di wow. Grabe nagbago na ba ugali ko? Feeling ko ang sama na kasi.  Tapos ma pride na din yata ako. Ewan ko ba. Ang alam ko, mas ma pride ako noon lalo na nung di ko pa kilala si Lord. Kung pride ung magsabi ka lang na pagod ka na maging mabait, siguro nga ma pride na tlaga ako.  Nakakapagod tlaga ang pride. Gusto ko laging gabi para matulog na at magpahinga. Pag umaga ang hirap bumangon. Nakakapagod paulit ulit kang nagka cast out dahil sa sandaang demonyo na dumadagan sayo para di kana magpatuloy.  Tapos sasabihin nanaman sayo “take the narrow road”? Aba’y wala naman silang alam sa  gyera na pinagdadaanan mo. Anong narrow road ba yan? Pikit ka nalang at wag umimik, kasi wala silang maiintindihan dahil sarado sila sayo. Buhay talaga… Nasa’an na ba ang straight jacket ko…

#WalaAkongMaintindihan