Order Chinkee Tan's and Lanilane's package books

Saturday, September 28, 2019

Lord I Give You My Heart

'yung pagod na pagod at pawis na pawis kana pero gusto mo pa rin magpuri sa Lord. ^_^


Friday, September 13, 2019

Ang Elemento ng #Pride

Minsan may isang magsasaka, nais nyang ang kanyang anak ay maging mahusay na magsasaka din. Sumunod naman ang anak sa lahat ng sinasabi ng kanyang ama at hindi rin nagtagal ay naging mahusay nga syang magsasaka. Ngunit dumating sa punto na sa laki ng pangarap ng anak para sa kanilang sakahan, ninais nyang mas matuto pa sa larangang ito. Naisip nya, mataas ang kanyang tingin sa kanyang ama ngunit marami ding katulad nila sa mundo na magsasaka din at maraming pwedeng maibahagi sa kanilang mag ama upang mas mapataas ang antas ng kanilang ani. Naisip ng anak na lumayo pansamantala at mag aral ng husto nang sa gayon ay lumawak ang perspektibo sa pag-ani.

Ayaw ng kanyang ama na umalis dahil sa tingin nito ay sapat na ang kanyang kaalaman at sayang lang sa oras ang gagawing paglisan ng anak. Ngunit ang anak ay nanindigan na tama ang kanyang bisyon para sa kanilang lupain at anihan. Tumulak ang anak kahit na hindi sang ayon ang ama.

Napilitan na lang ang ama na ibigay ang kalayaan ng anak. Lumipas ang kaunting panahon, nakabalik agad ang anak dala dala ang mga bagong ideya sa pagsasaka. Nakapag ipon na rin ito ng sapat na halaga para makabili ng makinarya. Ngunit ang ama ay nanatiling mapait ang puso mula pa noong umalis ang anak. Sabi ng anak, "'Tay, ako ay sabik na ibahagi sa'yo ang aking mga natutunan, paniguradong makakatulong ito sa ating sakahan. Malaki at magiging mabilis ang ating pagpapalago nito". Ngunit ang ama ay nanatiling tahimik. Minsan lamang itong nagsalita at ang sinabi'y, "hindi ako sang ayon sa lahat ng sinasabi mo."

Nalungkot ang anak dahil sa lalim ng kanyang mga pag aaral, malaki ang kanyang kumpyansa na magdudulot ng malaking positibong pagbabago sa kanilang pagsasaka ang lahat ng kanyang natutunan kung ang kanyang ama sana ay magpapakumbaba at tatanggapin ang kanyang alok.

Mahal ng anak ang kanyang ama at mahal din nito ang kanilang lupain at pananim. Ayaw man ng anak na lisanin ang lupain, ngunit ang kanyang puso ay nagpupumiglas na gamitin ang lahat ng natutunan upang ang kanilang sakahan at ang iba ring sakahan ay manaba at magsibunga ng malulusog at matatabang pananim.

Ang lahat ng kanyang natutunan at makinarya ay ibinigay na lamang nya sa iba, bagamat masakit sa kanyang kalooban, hinarap nya ang katotohanang, ang ama ay hindi naniniwala sa kanya.

#sorry
#SadStory

Tuesday, September 3, 2019

Who Am I?