Order Chinkee Tan's and Lanilane's package books

Wednesday, May 20, 2015

χαίρετε Newsletter - January 2014 to March 2015

Thank you for all the support my friends!

Here's my χαίρετε Newsletter. You can download through the button below.
Blessings to you all.
Let's continue to serve God and His people.

1 of 4




Saturday, May 16, 2015

ANG FOCUS: “FINISH LINE” HINDI “FEELINGS LINE”

“24 Do you not know that in a race all the runners run, but only one gets the prize? Run in such a way as to get the prize. 25 Everyone who competes in the games goes into strict training. They do it to get a crown that will not last, but we do it to get a crown that will last forever. 26 Therefore I do not run like someone running aimlessly; I do not fight like a boxer beating the air. 27 No, I strike a blow to my body and make it my slave so that after I have preached to others, I myself will not be disqualified for the prize.” 1 Corinthians 24-27 (NIV)


Hindi sa lahat ng laban nananalo ka. Pero ang importante ginawa mo ang lahat ng mabuti sa mata ng Dios. Sa kabilang banda, ang bawat laban ay hindi tungkol sa pagkapanalo. Para sa akin, mas importante kung paano ka lumaban at bago iyon, lubhang mas importante kung paano ka naghanda.

Sa buhay mo, madalas nakikita mo ang mga kumpetisyon sa paligid. Pero ang totoo, you are overlooking your biggest opponent- yourself. Ang sarili mo ang matinding kalaban dito. “Hindi ko na kaya”, “ang sakit sakit”, “bakit ganito ako”, “hirap na hirap na ako”, and so on. Yan ang mga madalas mong binibitawang salita kapag pigang piga kana sa buhay. Totoo, madrama, pero yan ang totoo. Sa mga oras na ito ang mga litanya mo, madalas ikaw ang nakokontrol ng emosyon mo. Para sabihin ko sayo, kailangan baligtarin ito- Ikaw ang dapat na magkontrol sa sarili at emosyon mo. ‘Wag puro feelings. Hindi ka makakarating sa finish line kung puro feelings lang. Kaya nga “finish line” at hindi “feelings line”. Kailangan mo ng muscles para tumakbo. At ang puso, hindi laging “pampering” ang kailangan, kailangan mo ng cardio para mas lumakas ang resistensya nito.

Kung masakit ang puso mo ngayon, aba’y praise the Lord! Sa totoo lang, may dahilan kung bakit ka sawi sa oras na ito.  Sa isang labanan, ang athlete ay naghahanda nang masigasig. At alam mo ba kung sino ang kasama nya? Si Coach. Kapag si athlete ay wala sa training field, let’s say naghahappy-happy lang sa bar, si coach nasa tabi tabi lang. Observe observe, patingin-tingin at hindi makikialam usually. Pero sa training field, si Coach, aba’y babanatin ang kailaliman ng kasukasuan ni athlete. Sa training field mas nahihirapan si athlete, pero dito sya mas lumalakas at naihahanda sa pagkapanalo. At dito sa training field na ito din nagkakaroon ng closer relationship si athlete at si coach.

Sa mga panahon na ikaw ay nahihirapan. Yung oras na “I can’t cry hard enough” ang drama. Yung kahit saan ka tumingin wala kang makitang dahilan para mabuhay. Yung mga pagkakataon na gusto mo na “mag-goodbye world”. Yan, yan ang oras na katabi mo si God. Nariyan sya sumisigaw “go anak! Sige pa! malapit na! alam ko mahirap pero kaya yan! Wag kang susuko!” Kahit bumitaw ka, kakapitan ka Nya.

Mahirap maintindihan, alam ko. Pero mas maiintindihan mo kung mapagtagumpayan mo ang hirap sa training na ito. Tandaan mo, kasama mo ung best coach ever and no one can harm you. Pagkatapos niyan, haharap ka sa mahirap na labanan pero wag kang mag-alala, naihanda kana para dyan. Maaring walang naniniwala sa kakayanan mo ngayon, pero wag mong kakalimutan na nariyan ang Dios na katabi mo na proud na proud sayo. Kaya’t kayanin mo ang training. Para sa iyo din yan. Kapag napagtagumapayan mo ang lahat sa pamamagitan ng pagsunod at pakikinig kay Coach, makikita din ng iba ang bunga nito. Ni hindi mo na kailangan ipagsigawan dahil ang iyong buhay na ang magsasalita tungkol dito. May plano sayo ang Dios at hindi Nya ito maisasakatuparan kung nakaharang ang iyong “feelings” sa “finish line”. Okay lang umiyak, pero wag kang mag-focus sa luha, because the training is not over yet. Go go go!

"If God is with you, no one can harm you."